Biyernes, Disyembre 16, 2016




KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA

Sa ilang taong pamumuhay dito sa mundo, lalo na sa bansang iyong ginagalawan, hindi ka lang simpleng mamamayan. Responsibilidad mo na alamin at makialam sa pambansang kita ng bansa.

Image result for picture of man asking.clip art

Malaki ang iyong ambag sa pambansang kita. Konsyumer ka man o prodyuser. Sa simpleng bagay na hindi mo namamalayan, nakaambag ka ng kita ng iyong bansa na nakakapagpalago sa ekonomiya na siyang ikauunland ng ating bansa. 

Anu-ano nga ba ang kahalagahan at magiging epekto nito sa atin kung palalawakin natin ang ating kaalaman ng pagsukat ng pambansang kita? Isa sa mga kahalagahan ng pagsusukat sa Pambansang kita ay nakakapagbigay ito ng ideya ukol sa antas ng produksyon, Nagsasabi din ito kung tumataas ba o bumababa ang paggawa ng mga produkto. Isa pa sa mga kahalagahan nito ay masusubaybayan ang produksyon na tinatahak ng ekonomiya. Ito naman ang tumututok sa patutunguhan ng ekonomiya ng ating bansa. Ang kahalagahan naman ng may gabay sa pagplano sa ekonomiya ay mas mapapalalim ang mga gagawing plano at programa upang mapaunlad at mapataas pa ang ekonomiya ng bansa. Magiging basihan at matibay na batayan din ito na magiging kapanipaniwala. Mas ipinapakita o sinasabi na mas kailangan ng mga matitibay na mga datos o impormasyon na dumaan sa malalim na pagsusuri at pag-aaral upang ito ay masabi na kapanipaniwala at totoo na mahalaga ang pagsukat sa kita ng bansa. At sa huli sa mga kahalagahan ay makapagbibigay ng konklusyon kung ano na ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsukat sa pambansang kita. Ang mga kahalagahang ito ay ayon sa malalim na pag-aaral ni Campbell R. McConnell at Standly Brue. 

Image result for pictures of child with peso sign clip art

Kailangan pa bang sukatin ang economic performance ng isang bansa? Sa tanong na ito masasabi nating "oo", sapagkat batay na rin sa mga naunang pahayag ito ay mahalaga. Mahalaga sapagkat ito'y samasalamin sa yaman ng atin bansa. 

Sa pagsukat ng economic performance ng isang bansa nakapaloob dito ang GNP at GDP. Ano nga kaya ang GNP? Ang GNP o Gross National Productct o mas kilala bilang Gawa Ng Pinoy, ay mga produkto na nilikha ng mga Pilipino kahit sila ay nasa labas ng bansa. Ang GNP din ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Ang GDP naman ay ang Gawa Dito sa Pinas, na sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamayari ng mga dahuyan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama sa GDP. Halimbawa, ang kita ng dahuyan hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng GDP ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa GNP ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dahuyan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkwenta ng GNP ng kanilang bansa. Halimbawa, ang mga kinita ng Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Japan ay ibinibilang sa pagkwenta ng GDP ng Japan ngunit hindi kabilang sa GNP ng bansa ito sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa GNP ng Pilipinas. 

Sa huli, bilang mga mamamayan maiging palawakin natin ang atin isipan at obserbahan ang mga nakapaligid sa atin. Sa gawaing ito, mas nagiging responsable tayo sa ating bansa at hindi napagiiwanan ng panahon. 

Bilang isang estudyante sapat na nga ba ang iyong kaalaman sa ukol sa GNP at GDP? At anu-ano ba ang naiaambag nito sa economic performance ng bansa?

1 komento:

  1. Harrah's Cherokee Casino and Resort - MapYRO
    Harrah's Cherokee Casino 당진 출장샵 and 경기도 출장샵 Resort is a casino 아산 출장샵 hotel and hotel 양산 출장안마 located 양주 출장마사지 in the beautiful Smoky Mountains of Western North Carolina in

    TumugonBurahin